PAGLILINIS SA MGA COASTAL AREAS SA LUNGSOD NG ALAMINOS, PATULOY NA ISINASAGAWA

Isa sa dapat na bigyan importansya ng isang mamamayan ay ang pagkakaroon ng malinis na kapaligiran at matulungan ang kalikasan dahil ito ang magiging isa sa matibay na proteksyon at malaki ang maitutulong na panangga sa tuwing may darating na kalamidad.
Kaya naman ang City Tourism Office ng Alaminos ay patuloy pa rin sa kanilang kampanya na maglinis sa mga coastal areas sa kanilang lugar at patuloy na hikayatin ang kanilang mga nasasakupan na sila’y tulungan sa paglilinis at pagpapaganda ng kapaligiran.
Sa Barangay Baleyadaan naman nagsagawa ng paglilinis sa coastal area ang naturang ahensya para sa Monthly Coastal Clean up kung saan naging katuwang nila sa paglilinis ang mga barangay council at ilang residente ng naturang barangay.

Naglalayon ang patuloy na pagsasagawa ng City Tourism Office ng Alaminos ng mga ganitong klaseng aktibidad na mapanatili ang kalinisan sa mga coastal area sa kanilang lungsod nang sa gayon ay maiwasan rin ang umiiral na polusyon at sakit na maidudulot nang makalat na kapaligiran.
Isa rin ito sa mga pangunahing adbokasiya ng alkalde ng lungsod para mapangalagaan ang kalikasan. |ifmnews
Facebook Comments