Inatasan na ng pamunuan ng Taal Interagency Coordination Agency ang paglilinis sa mga kalsada na puno ng mga putik dahil sa pag-alburuto ny Bulkang Taal dahil hindi segurado kung hanggang magtatagal ang naturang pag-aalburo.
Ayon kay Senador Francis Tolentino pinuno ng Taal Interagency Coordination Agency maraming mga evacuees ang ginusto pa umanong tumira sa kanilang mga kamag-anak kaysa mga Evacuation Center.
Nilinaw ni Senator Tolentino na Force Evacuation ang ipinatutupad ng pamahalaan para na rin sa kaligtasan ng mga residente ng apektdo ng pag alburuto ng Bulkang Taal.
Dinagdag pa ni Tolentino umabot na sa 2,349 pamilya o 10,715 katao ang nagkakanlong sa 45 Evacuation Center kasunod ng pagputok ng Bulkang Taal kahapon
Kabilang sa mga lugar na apektado ang mga bayan ng Lemery, Nasugbu, Taal, San Luis, Agonsillo, Laurel, Talisay, Mataas na Kahoy, Malvar at Tanauan.