PAGLILINIS SA PAMILIHAN SA UMINGAN, ISASAGAWA DALAWANG BESES SA ISANG LINGGO

Kasado na simula Oktubre 11 hanggang Nobyembre ang regular na disinfection at water flushing sa pamilihang bayan ng Umingan.

Sa bisa ito ng nilagdaang kautusan ng alkaldena layuning isulong ang malinis at ligtas na pamilihan para sa mga mamamayan.

Sa ilalim nito, pansamantalang aalisin ang mga paninda at kagamitan ng mga tindera, stallholders, at mamimili bago ang oras ng paglinis.

Ayon sa pahayag, ititigil din ang mga aktibidad sa palengke sa nasabing iskedyul upang maiwasan ang anumang abala sa mga manlalako at mamimili.

Facebook Comments