PAGLILINIS SA PUBLIC MARKET NG URBIZTONDO, REGULAR NA ISINASAGAWA; LGU, PANAWAGAN ANG KOOPERASYON NG PUBLIKO

Nilinis at inayos ng lokal na pamahalaan ng Urbiztondo ang pampublikong pamilihan para sa kaayusan ng mga pwesto at daloy ng mamimili maging ng mga sasakyan

Ayon kay Scarlyn Hermogeno, Information Officer ng bayan ng LGU Urbiztondo, regular ang kanilang paglilinis sa loob at labas ng palengke upang maiwasan ang tambak na basura na maaaring bumara sa kanal.

Mas tinututukan ang wet section kung saan ibinebenta ang mga produktong karne at isda dahil takaw dumi umano ito sa putik na posibleng maging sanhi ng aksidente sa mga namamalengke.

Panawagan nito sa parehong mga konsyumer at mga manlalako na tumulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa pamilihan upang maging kaaya-aya sa mga mamimili ang mga pagkain na nagmumula dito at makapanghikayat pa ng mas malaking kita. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments