Paglilipat ng New Bilibid Prison sa Nueva Ecija, pinag-aaralan ng BuCor

Bumuo ng task force ang Bureau of Corrections (BuCor) para pag-aralan ang posibleng paglilipat sa New Bilibid Prison (NBP).

Ito ay upang tugunan ang mataas na congestion rate o pagsisiksikan ng mga preso sa national penitentiary.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Undersecretary Deo Marco, nagsumite na ng proposal si BuCor Director General Gerald Bantag para sa pansamantalang paglilipat ng Bilibid sa mega prison sa Nueva Ecija.


Aniya, magiging mabilis ang pag-uusap ukol dito dahil nakikipag-ugnayan din ang DOJ sa Malacañang.

Bukod dito, may nakabinbin ding panukala sa Kongreso tungkol sa pagkakaroon ng hiwalay na kulungan sa mga lugar na may mataas na crime rate.

Noong 2019, matatandaang iminungkahi ng nakakulong na si Senator Leila de Lima ang pagtatayo ng isang mega prison facility sa Nueva Ecija para tugunan ang lumalalang congestion sa NBP.

Facebook Comments