Paglilipat ng petsa ng barangay at SK election sa 2023, itinutulak sa Kamara

 

Ipinalilipat ni Isabela Rep. Faustino Dy ang petsa ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa May 2023 mula sa nakatakdang May 2020 election.

 

Layunin ng House Bill 47 na mapalawig sa 5 taon ang termino ng mga barangay officials at mapagsilbihan ang constituents nang walang maaapektuhang frontline services.

 

Nakasaad sa panukala na ipagpapaliban ang eleksyon sa susunod na taon patungong ikalawang Lunes ng Mayo taong 2023 na pakikinabangan ng mga nahalal na opisyal noong 2018.


 

Paliwanag ni Dy, mabibigyan ng sapat na panahon ang higit 670,000 barangay at SK officials mula sa halos 42,000 barangays sa buong bansa para ipatupad ang long-term programs at maisakatuparan ang adbokasiya para sa grassroots level.

 

Dagdag pa ng kongresista, dapat magpahinga muna ang mamamayan sa pulitika lalo’t apat na eleksyon ang isinagawa sa loob ng nakaraang limang taon kaya mas mabuting magtrabaho muna ang mga nahalal na opisyal.

Facebook Comments