Paglilipat sa mga kaso ni Pastor Apollo Quiboloy sa Metro Manila, malaking tulong para sa seguridad ng mga testigo at namamahala sa kaso – DOJ

Welcome para sa Department of Justice (DOJ) ang pag-apruba ng Korte Suprema sa hiling na ilipat ang pagdinig sa mga kaso ni Pastor Apollo Quiboloy sa Metro Manila mula sa Davao City.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, malaking bagay ito upang hindi maimpluwensiyahan ang kaso lalo’t kilala si Quiboloy sa Davao City.

Sinabi pa ng kalihim na major breakthrough ito pagdating sa paghahanap ng hustisya lalo na’t hindi na kailangan pang mangamba ng mga testigo at mga namamahala sa kaso para sa kanilang kaligtasan.


Bukod sa mga kasong sexual abuse sa Davao City, nahaharap din si Quiboloy sa reklamong human trafficking sa Pasig City Regional Trial Court kung saan wala itong piyansa.

Facebook Comments