Paglilipatan ng mga nasunugang ukay-ukay vendors, inihahanda na!

Nilinis at inihahanda na ang mga bakanteng stalls malapit sa Fiesta Mall of Cotabato City sa bahagi ng RH-10 kung saan ililipat ang ukay ukay vendors mula sa nasunog na mega market.
Ang iba pang vendors na naapektohan ng sunog ay ire-relocate din.
Prayuridad umano ng city government ang legal vendors.
Tinatayang aabot sa P 50 million ay nilikhang pinsala ng sunog sa city mega market dalawang linggo na ang nakakalipas.
Mabilis namang nag-convene ang LGUs market council upang makalikha ng mga solusyon at matulungan ang mga naapektohang vendor.
Ipinag-utos din ni City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani-Sayadi ang malalimang imbestigasyon sa insidente.

Facebook Comments