Manila, Philippines – Aabot pa sa susunod na taon bago maumpisahan ng Sandiganbayan ang paglilitis sa mga kasong katiwalian na kinakaharap ni dating Senador Ramon Bong Revilla Jr., kaugnay pa rin sa pork barrel scam.
Sa ngayon ay inatasan na ni Justice Efren dela Cruz ng Sandiganbayan 1st Division ang prosecution at depensa na magsumite ng pre-trial brief bago mag-umpisa ang paglilitis.
Nasa sampung araw naman ang ibinigay na palugit sa magkabilang panig para makapagsumite ng pre-trial brief.
Samantala, plano naman ng mga abogado ni Revilla na maghain ng demurrer to evidence para basagin ang mga ebidensya ng prosekusyon sa kasong plunder ng dating senador.
Walang balak ang depensa na magharap pa ng mga saksi dahil sa paniniwalang mahina ang kasong ito laban sa dating senador.
Labing anim na counts ng graft case ang hinaharap ni Revilla kasama ang tinaguriang pork barrel queen na si Janet Lim Napoles dahil sa iregularidad sa paggamit ng Priority Development Assistance Fund.