Paglimita sa mga batang tumungo sa mga matataong lugar, ipinaalala ng PNP

Mahigpit ang panawagan ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa mga magulang o guardian na limitahan ang mga batang papuntahin o dalhin sa mga matataong lugar.

Ginawa ng PNP ang panawagan sa harap pa rin ng pagdami ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, nirerespeto nila ang desisyon ng mga magulang na dalhin ang kanilang mga anak para dumalo sa mga importanteng aktibidad.


Pero dapat aniyang sumunod sa minimum public health standard para na rin sa kaligtasan ng mga bata.

Sinabi pa ng PNP chief, marami pang mga kabataan ang hindi bakunado kaya mas maiging ingatan ng mga magulang at guardian ang kanilang mga anak laban sa COVID-19.

Sa ngayon, mas pinaigting ng PNP ang kanilang pagpapatrolya sa mga matataong lugar para matiyak na nasusunod ang health protocols.

Facebook Comments