DOH, inanunsyo na malapit nang ibaba sa Alert Level 2 ang NCR

119

Kinumpirma ni Health Sec. Francisco Duque III na naabot na ng National Capital Region (NCR) ang peak o rurok ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Duque, sa mga nakalipas na araw ay naging consistent na ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa NCR.

Maliit na rin aniya ang bilang ng nai-aambag ng kaso ng infection sa Metro Manila sa kabuuang total COVID cases na naitatala kada araw.


Sinabi ni Duque na kapag nagpatuloy ang pagbaba ng COVID cases sa NCR sa susunod na dalawang linggo ay maaari na itong ibaba sa Alert Level 2.

Sa darating na Huwebes ay magpupulong ang Inter-Agency Task Force on COVID-19 para talakayin kung maaari nang ibaba sa Alert Level 2 ang Metro Manila sa susunod na dalawang linggo.

Facebook Comments