Paglipana ng bulok at mausok na pampublikong sasakyan, isinisi sa LTFRB

Manila, Philippines – Isinisi ng grupong Stop and Go Transport Coalition sa LTFRB ang paglipana ng mga bulok at mauusok na pampublikong sasakyan sa bansa.

Ayon kay Jun Magno, pangulong ng grupo, hindi dapat sisihin ang mga operators dahil kasalanan ng LTFRB at LTO kung bakit may nakikitang bulok at mausok na jeepney sa mga lansangan dahil pinapayagan itong mairehistro.

Kung hindi papayagan ng nabanggit na ahensiya na mairehistro ang sasakyan, walang magagawa ang operator kundi ang ipa-repair ang kanilang jeep.


Isa rin aniya sa problema, ilang dekada na ang nakalipas subalit hanggang sa ngayon ay wala pa ring motor vehicles inspection service o MVIS na magdedetermina sa isang sasakyan kung ito ay pasado sa Clean Air Act.

Hindi rin aniya tama na ang 5 taong edad ng jeep na bubulok-bulok na ay pasado pa sa LTFRB habang ang kanilang sasakyan na nasa 15 taon na ang edad na maganda pa ay ipe-phase out na.

Apila ng grupo sa pamahalaan na huwag gawing mandatory ang modernization program kundi ito ay dapat boluntaryo sa iniaalok nilang P1.6 milyonh halaga ng unit para sa kung sino lang ang gustong magpalit ng kanilang jeepney.

Facebook Comments