Paglipana ng pekeng gamot, ikinabahala ng FDA

Ikinabahala ng Food and Drug Administration (FDA) ang tumataas na bilang ng pekeng gamot na kumakalat sa social media at online shopping platforms.

Sinabi ni FDA Common Services Laboratory Director Jocelyn Balderrama, bunsod ito ng mataas na demand sa gamot tulad ng paracetamol at iba pang gamot laban sa trangkaso simula noong sumibol ang COVID-19 pandemic.

Dahil dito, nakita itong pagkakataon ng mga kawatan na gumawa ng pekeng gamot upang pagkakitaan ang publiko.


Ayon sa Department of Health (DOH), malinaw sa batas na iligal ang paggawa at pagbebenta ng pekeng gamot dahil sa seryosong banta nito sa kalusugan ng tao tulad ng posibleng adverse effects na dala ng pekeng gamot.

Batay sa datos ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), nakakumpiska na sila ng higit P53 milyong halaga ng pekeng gamot at COVID-19 antigen tests simula March 2020 hanggang November 2022.

Facebook Comments