Bagong EDSA Bus Carousel Station sa One Ayala Terminal, binuksan na

Binuksan ng Department of Transportation (DOTr) katuwang ang Ayala Land Incorporated ang One Ayala Bus Terminal na magsisilbing estasyon para sa mga bus papuntang Southbound lane.

Ito na rin ang magsisilbing EDSA Bus Carousel Ayala Station.

Ang nasabing terminal ay magkakaroon ng direktang access sa Ayala MRT-3 Station simula sa December 1 kung saan makapagbibigay ito ng serbisyo sa mahigit 300,000 na komyuter.


Magsisilbing daanan din ito ng point-to-point bus at mga bus na may ruta papuntang FTI Taguig, Alabang, Balibago sa Angeles City, Pampanga, Sta. Rosa at Biñan, Laguna.

Facebook Comments