Paglipana ng ‘troll farms’, posibleng makaapekto sa eleksyon 2022

Posibleng malaki ang maging epekto ng paglipana ng troll farms sa darating na eleksyon 2022.

Sa interview ng RMN Manila, iginiit ni Bayan Muna Representative Carlos Zarate na ito ay labis na nakakabahala lalo na’t isang mataas na opisyal ng gobyerno ang siyang nag-oorganisa ng troll farms.

Ayon kay Zarate, dapat na magsagawa ng agarang imbestigasyon tungkol dito dahil maaaring maimpluwensyahan ng mga trolls ang publiko ng kasinungalingan at maling mga impormasyon na pwedeng makaapekto sa pagpili ng ihahalal na opisyal.


Aniya, sakaling umusad ang imbestigasyon ay inaasahang dadalo sa pagdinig ang kinatawan ng Facebook, Twitter at YouTube sa bansa.

Kaugnay nito, kinumpirma rin ni Zarate na handa na si Senator Ping Lacson na isiwalat na sa publiko ang pangalan ng sangkot na opisyal.

Facebook Comments