DILG, nagsasagawa na rin ng pag-iinspeksyon sa mga vaccination site

Nagsasagawa ng pagbisita at pag-iinspeksyon ang pamahalaan sa mga COVID-19 vaccination site.

Ito ay ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Asec. Odilon Pasaraba ay upang matiyak sa publiko na nakatutok ang pamahalaan sa rollout ngĀ  pagbabakuna.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi nito na ang presensya ng mga DILG officials sa vaccination sites ay hindi lamang magpapatatag sa kooperasyon ng national government at Local Government Units (LGUs), kundi upang mapataas na rin ang kumipyansa at tiwala ng publiko.


Kailangan aniya na maiparamdam sa taumbayan na consistent ang administrasyon sa layunin nito.

Kada Biyernes aniya ay nagsusumite sila ng report kay DILG Secretary Eduardo AƱo kaugnay sa mga rekomendasyon upang matugunan ang mga problema na idinulog sa mga representante ng DILG sa mga lokal na pamahalaan.

Facebook Comments