Paglipat ni CJ Perez sa San Miguel Beermen, pinayagan na ng PBA

79

Pinayagan na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang trade sa pagitan ng Terrafirma at San Miguel Beermen.

Ayon sa ulat, makukuha ng Beermen si CJ Perez habang magiging kapalit nito sa Terrafirma sina Matt Ganuelas-Rosser, Russel Escoto, Gelo Alolino, at ang first-round picks na hawak ng SMB sa 2020 at 2022 PBA Rookie Draft.


Hindi sana papayagan ng PBA ang trade deal kung saan sa unang draft ay lilipat si Perez sa SMB kapalit ng mga bench player at 2020 first-round pick lamang.

Pero matapos rebisahin ng PBA review committee ang proposal, idinagdag ng SMB ang kanilang 2022 first-round pick kaya naaprubahan na ang trade.

Facebook Comments