Kahit weekend tumungo ngayong araw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Camarines Sur at pinangunahan ang paglulunsad ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair.
Sa ulat ng Presidential Communications Office (PCO), sa event na ito pinagsama sama ang iba’t ibang programa at serbisyo mula sa iba’t ibang ah4ensya ng gobyerno sa iisang lugar.
Kabilang dito ang pamamahagi ng government assistance programs sa Camarines Sur Polytechnic Colleges (CSPC) sa Municipality ng Nabua.
Pinagunahan din mismo ng Pangulo ang pamamahagi ng ibat ibang farm equipment mula sa DA at pamimigay ng wheelchairs at Jerry Cans mula sa DOH.
Maging ang pamamahagi ng toolkits mula sa TESDA at hygiene kits mula sa Office of Civil Defense (OCD).
Mayroon ring Kadiwa Caravan sa Camarines Sur kung saan ang mga makikita ay mga locally produced farm goods mula sa kanilang lalawigan.
Ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na ito ay nagsimula ngayong araw at magtatagal hanggang bukas.
Sabay-sabay itong ginagawa sa munisipyo ng Monkayo sa Davao de Oro na pinangunahan ni Vice President Sara Duterte; sa Visayas State University na pinangunahan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez; at Mariano Marcos State University (MMSU) sa Laoag, Ilocos Norte na pinangunahan ni 1st District Representative Ferdinand Alexander ‘Sandro’ Marcos III.