Halos 17,000 piraso ng N95 face mask, naiabot na sa Batangas dahil sa vog

Nakapag-abot na ang Office of Civil Defense (OCD) Calabarzon ng 16,800 piraso ng N95 face mask sa Batangas.

Ito ay bilang tulong sa mga residente dahil sa nararanasang vog o volcanic smog mula sa Bulkang Taal.

Ayon kay Mark Timbal ng OCD-NDRRMC, nagsagawa na ng coordination meeting ang pamahalaang panlalawigan ng Batangas at OCD Calabarzon.


Tinalakay ng mga opisyal ang sitwasyon ng mga apektadong komunidad at ang inaasahang pangangailangan ng PDRRMO Batangas at Cavite.

Nananatili sa Alert level 1 ang Bulkang Taal at wala ring inaasahang major eruption o malaking pagsabog.

Gayunpaman, patuloy na pinag-iingat ang publiko lalo na ang mga may problema sa kalusugan.

Facebook Comments