Paglulunsad ng malawakang manhunt sa mga convicted leaders ng CPP-NPA, sisimulan na ng PNP-CIDG

Nakikipag-ugnayan na ang Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Armed Forces of the Philippines (AFP) upang maglunsad ng malawakang manhunt sa mga convicted leaders ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) na sina Benito at Wilma Tiamzon.

Ayon kay PNP Chief Police General Debold Sinas, natanggap na nila ang direktiba mula kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año hinggil sa pag-aresto sa mag-asawa.

Nangako naman si Sinas na pangangasiwaan ang pagsuko ng mag-asawa maging ang pagpunta nila sa korte at kulungan para sa paghahatol ng kaso.


Matatandaang una nang ibinaba ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) ang hatol laban sa mag-asawa na may kaugnayan sa serious illegal detention, matapos dukutin ang apat na sundalo sa Quezon Province noong 1988 na kinabibilangan nina dating Army Lieutenant Abraham Claro Casis, Lt. Clarito Santos, Oscar Singson, at Rommel Salamanca.

Facebook Comments