Isinagawa ngayong hapon sa Malakanyang ang launching ng Philippine Independence Commemorative Coins na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasama si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Felipe Medalla.
Ginawa ang paglulunsad ng commemorative coin para sa pagdiriwang ng ika-125th Anniversary of the Philippine Independence and Nationhood o APIN sa Malakanyang ngayong araw.
Nakapaloob sa inisyung bagong coin set o APIN coin set ng BSP ang dating papel na 100-peso ay magiging coin na ito at nakalagay sa coin ang commemoration ng 1898 declaration of Philippine Independence.
Habang ang bagong 20-peso coin naman ay nakalagay ang kapakanganakan nang first republic ng bansa sa Barasoain Church.
Sa bagong 5 – piso coin nakalagay na ang larawan ng katapangan ng mga Pilipino para sa soberenya ng bansa sa nangyaring Philippine – American war.
Iaanunsyo naman ng BSP sa social media channels kung kailan magiging available ang APIN coin set
Kapag available na maring bumili sa pamamagitan ng BSP store na https://bspstore.bsp.gov.ph.