PAGLULUNSAD NG TOURIST POLICE UNIT SA PROBINSYA NG PANGASINAN, PIRMADO NA

Pirmado na ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan at ng Provincial PNP ang isinusulong na Tourist Police Unit sa lalawigan ng Pangasinan.
Nito lamang ika-15 ng Setyembre, nagkaroon ng Memorandum of Agreement ang Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ng Gobernador ng Pangasinan na si Gov. Ramon Guico III at ng Provincial PNP Director na si PCol. Jeff Fanged ukol sa bagong unit na ito ng PNP sa lalawigan.
Layon ng bagong unit na ito ng PNP dahil para matiyak ang kaligtasan ng mga turista at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa mga host communities o ang mga pasyalan sa probinsya.

Ang hakbang ay pagtutulungan ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan at ng Pangasinan Police Provincial Office upang mailunsad ang naturang bubuuing grupo ng kapulisan sa lalawigan.
Matatandaan na aprubado ang naturang unit sa Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan noong Agosto 14, Lunes ang resolusyon na nagpapahintulot sa gobernador na pumasok at lumagda sa isang memorandum of understanding (MOU) kasama ang Pangasinan PPO para sa pagtatatag ng TPU.
Nakipag-ugnayan na rin ang PNP Pangasinan sa Department of Tourism para sa mga lugar na kailangan ng deployment o paglalagyan ng unit na ito.
Dahil dito nangako ang PNP Pangasinan na sisiguraduhin ang kaligtasan ng mga turista na magpupunta sa mga pasyalan.| ifmnews
Facebook Comments