Pagluluwag ng patakaran sa face mask, makakatulong sa pagbangon ng ekonomiya

Naniniwala si Committee on Appropriations Chairman at Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co na makakatulong sa pagpapalago ng ekonomiya ang pasya ng pamahalaan na gawing boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face mask kahit sa mga indoor o kulob na lugar.

Ayon kay Co, ang pagluluwag ng patakaran sa pagsusuot ng face mask ay umaayon sa layunin ng 2022 at 2023 national budget na maibangon ang ekonomiya mula sa pandemya.

Umaasa si Co na ang patuloy na pagbubukas  ng ating ekonomiya at unti-unting pagtanggal sa COVID restrictions, ay magbubunga ng magandang epekto sa gross domestic product o GDP pagsapit ng ikatlo at huling bahagi ng 2022.


Tiwala si Co na manageable at kayang-kaya ng tugunan ng Department of Health (DOH) at Local Government Units (LGUs) ang hawaan ng COVID-19 ngayon.

Kumbinsido din si Co sa inihayag ng DOH noong budget hearings na matagumpay ang mga ipinatupad ba safety protocols sa bansa at nalalabanan na natin ang virus base na rin sa isinasaad ng mga COVID bulletins.

Facebook Comments