Senior Citizen, arestado sa illegal na pagpapataya ng EZ2 Bookies

Kalibo, Aklan – Arestado ang isang Senior Citizen sa isinagawang Anti-Illegal Gambling Operation at entrapment operation kaninang tanghali dahil sa pagpapataya ng illegal number game o EZ2 Bookies sa Brgy. Andagao, Kalibo, Aklan. Ang nahuli ay nakilalang si Danilo Ambid Sr., 64-anyos at residente ng Sitio Kawatihan ng nasabing barangay. Si Ambid ay inaresto ng mga miyembro ng Aklan PPO Provincial Intelligence Unit/ Provincial Task Force on Anti-Illegal Gambling at Kalibo MPS at nakumpiska sa kanya ang 2 piraso ng P 20.00 bilang marked money; 1 stub unauthorized receipt na nagsisilbing β€œcotejo”; ballpen at isang plastic sachet na may lamang P 500.00 pesos bilang mga taya. Si Ambid ay nasa kustodiya na ngayon ng Kalibo MPS para sa karampatang disposisyon.
Facebook Comments