Pagluluwag ng quarantine classification sa Metro Manila, hindi pa napapanahon – OCTA

Naniniwala ang OCTA Research Group na hindi pa handa ang Metro Manila na isailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Ayon kay OCTA Research Fellow Prof. Ranjit Rye, dapat manatili muna sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila hanggang sa katapusan ng Hulyo lalo’t nandiyan ang presensya ng Delta variant.

Dahil dito, kailangan pa rin aniya ang rin ang mga istriktong health protocol at bilisan pa ang pagbabakuna sa mas nakararaming indibidwal.


Nanawagan din si Rye sa pamahalaan na tutukan muna ang NCR Plus 8 sa usapin ng public health standard at pagbabakuna.

Kapag kasi aniya naprotektahan ang NCR laban sa COVID-19 ang NCR, malaki ang maitutulong nito sa buong bansa.

Facebook Comments