Pagluluwag o hindi ng restriksyon sa mga hindi bakunado kontra COVID-19, ipinauubaya na ng DILG sa mga local chief executive

Ipinauubaya na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan ang desisyon kung luluwagan o hindi ang mga restriksyon para sa mga hindi pa bakunado kontra COVID-19.

Kasunod ito ng pagbababa ng alert level sa mga lugar na mababa na lamang ang naitatalang kaso ng COVID-19.

Ayon kay DILG Spokesperson Jonathan Malaya, nakadepende na sa mga local chief executives kung paiiralin pa rin nila ang “stay-at-home”, “no vaccination, no ride” at “no vaccine, no entry” policies sa unvaccinated individuals.


Sakali namang magluwag ng restriksyon, dapat aniya itong tapatan ng pinaigting na pagbabakuna para mapigilan ang pagkalat ng virus.

Nabatid na noong Martes, Pebrero 1 ay ibinaba na sa Alert Level 2 ang Metro Manila, Cavite, Rizal, Bulacan, Batanes, Biliran at Southern Leyte.

Facebook Comments