MANGINGISDA, PINAGTATAGA NG ISANG CONSTRUCTION WORKER SA SANTO TOMAS, LA UNION

Nasa kritikal na kalagayan ngayon ang isang mangingisda matapos pagtatagain ng kanyang kapitbahay sa Brgy. Ubagan, Santo Tomas, La Union.
Nakilala ang biktima na si Danilo Lozano, 49 anyos habang ang suspek naman ay ang construction worker na si Jun-Jun Sambrano, 49 anyos.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, lumalabas na may dati ng alitan ang dalawa bago pa mangyari ang insidente kung saan mismong ang ama ng suspek ang umawat sa kanila, ngunit matapos ang ilang sandali nang umuwi ang suspek galing sa inuman ay pinuntahan nanaman nito ang biktima sa kanyang bahay at hinamon ng suntukan, nang lumabas ang biktima ay dito na siya pinagtataga ng suspek.

Kasalukuyang nagpapagaling ang biktima sa ospital at inaasahang sasailalim sa operasyon habang ang suspek ay nasa kustodiya ng Santo Tomas PNP matapos itong mahuli. | ifmnews
Facebook Comments