Pagluluwag sa quarantine protocols sa mga biyaherong manggagaling sa ibang bansa, pinag-aaral na ng DOH

Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) ang posibilidad na paluwagin ang quarantine restrictions para sa mga biyaherong manggagaling sa ibang bansa.

Kasunod ito ng pahayag ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na kumplikado ang requirement para sa inbound passengers.

Suhestiyon ni Conception, ibaba na lamang sa negatibong antigen test result ang i-require sa mga international travelers at gawin na lamang sa kanilang bahay ang isolation.


Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pinag-aaralan na nila ito kasama ang eksperto upang makapagbigay sila ng tamang rekomendasyon sa Inter-Agency Task Force (IATF).

Paliwanag ni Vergeire, asahan pa rin ang safeguards at karagdagang proteksyon kung sakalaing aalisin o kaya ay tatanggaling ang control sa ating mga boarders.

Facebook Comments