Lungsod ng Tagum sa Davao del Norte, isinailalim sa state of calamity dahil sa pagbaha

305

Isinailalim ang siyudad ng Tagum, Davao del Norte sa state of calamity dahil sa matinding pagbaha.

Nagtuloy-tuloy ang pinsala sa lugar dulot ng ulan at pagbaha simula pa noong Martes bunsod ng malakas na pag-ulan.

Binaha ang anim na barangay sa Tagum City: Pagsabangan, Mankilam, San Miguel, Canocotan, Bincungan, at Busaon.


Sa datos ng Tagum City Disaster Risk Reduction and Management Council, aabot sa 6,643 na pamilya o mahigit 30,000 indibidwal ang apektado ng baha.

Umabot sa mahigit P3 milyon pinsala sa agrikultura at imprastraktura sa siyudad.

Facebook Comments