Ipinagbawal muna ang pagluluwas ang anumang uri ng ibon at manok na galing sa Luzon, papunta sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Kasunod ito ng idineklarang bird flu outbreak sa San Luis, Pampanga.
Sabi ni Agriculture Sec. Manny Piñol, layunin nitong mapigilan ang posibleng pagkalat ng virus.
Pero papayagan naman aniya ang pagpasok ng mga sisiw, itlog at ibon na idadaan sa manila international airport.
Dagdag pa ni Piñol, kailangan din itong dumaan sa masusing quarantine protocol.
Ang mga inangkat na karne ng manok na mula sa Amerika na dadalhin naman sa Visayas at Mindanao ay hindi pwedeng alisin sa kahon at dapat na ihatid kaagad sa destinasyon nito.
Facebook Comments