Inaasahang babagsak sa 20% ang pagluluwas ng mga produktong saging ngayong 2020 dahil sa malakas na kompetisyon, mataas na taripa at pagbaba ng produksyon dahil sa Panama Diseases.
Ang Panama Disease o Banana Wilt, ay isang uri ng sakit na sumisira sa puno ng saging dulot ng fungus species na Fusarium Oxysporum Forma Specialis Cubense.
Ayon kay Pilipino Banana Growers and Exporters Association, Inc. (PBGEA) Chairman Alberto Paterno Bacani, posibleng mabawasan ng 165 milyong boxes ang iniluluwas na saging ngayong taon kumpara sa 195 milyong boxes na iniluluwas noong 2019.
Ilan sa mga bansang nagkakaroon ng market share sa saging ang Pilipinas ay ang Japan, China, South Korea, Vietnam, Cambodia, Ecuador, Peru at Guatemala.
Facebook Comments