Paglutang ng isa pang miyembor ng Aegis Juris Fraternity, welcome development sa MPD

Manila, Philippines – Welcome development para sa Manila Police District (MPD) ang paglutang ng isa pang miyembro ng Aegis Juris Fraternity na si Mark Anthony Ventura.

Si Ventura ay isa sa isinasangkot sa pagkamatay ng UST law student na Horacio ‘Atio’ Castillo, III.

Ayon kay Manila Police District (MPD) Spokesperson, Supt. Erwin Margarejo – kahit idinetalye na kahapon ng Department of Justice (DOJ) ang ilang pahayag ni Ventura, aantayin nila ang kopya ng sinumpaang salaysay ni Ventura.


Dagdag pa ni Margarejo – patuloy ang pakikipagtulungan nila sa National Bureau of Investigation (NBI).

Sinabi naman ni Horacio Castillo Jr. ama ni Atio – kumpiyansa ang kanilang pamilya na mas mabibilis ang pag-usad ng imbestigasyon ngayong unti-unting lumulutang ang mga isasangkot sa kaso.

Facebook Comments