Paglutang sa Senado ng bagong testigo sa pagpaslang kay Arnaiz, itinakda sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Sa susunod na Martes, September 11, nakatakdang humarap sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order And Dangerous Drugs ang bagong testigo sa kaso ng pagpatay kay Carl Angelo Arnaiz.

Ngayong araw sana lulutang ang nabanggit na testigo subalit hindi natuloy ang ikatlonG pagdinig ng komite na pinamumunuan ni Senator Panfilo Ping Lacson dahil sa masamang lagay ng panahon.

Ayon kay Lacson, ang 21-taong gulang na lalaking testigo ay dumulog sa kanyang tanggapan at nakipag-usap sa kanyang staff matapos na hindi ito patahimikin ng paulit-ulit na panaginip sa pagkakita kay Arnaiz na nasundan ng mga putok ng baril.


Sabi ni Lacson, nakita mismo ng testigo si Arnaiz at isa pang mas nakababatang kasama nito sa loob ng mobile ng police.

Sabi ni Lacson, nagkatiningan mismo sa isa’t isa ang testigo at si Arnaiz.

Kinilala din aniya ng testigo ang dalawang pulis na isinasangkot sa pagpatay kay Arnaiz.

Isinulat aniya ng testigo ang kanyang kwento, pinirmahan pero hindi pa nasusumpaan.

Bukod sa bagong testigo, ay pinapaharap din ni Lacson sa susunod na pagdinig si Tomas Bagcal, ang taxi driver na umano’y hinoldap ni Arnaiz.

Facebook Comments