Siniguro ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief PBGen. Roderick Augustus Alba na iniimbestigahan ng PNP ang lahat ng insidente ng karahasan sa panahon ng eleksyon.
Ginawa ni Alba ang pagtiyak matapos ang panawagan ng Commission on Elections (COMELEC) sa law enforcement agencies na tugisin ang mga responsable sa 16 na election-related incidents.
Karamihan sa mga naturang insidente ay sa Bangsamoro Autonomous Region.
Ayon kay Alba, “committed” ang PNP na resolbahin ang lahat ng verified incidents ng karahasan na iniulat pulisya.
Matatandaang sinabi ni PNP Officer in Charge PLt. Gen. Vicente Danao Jr., na sa pagtatapos ng eleksyon, tututukan ng PNP ang pagsasampa ng kaukulang kaso sa lahat ng lumabag sa batas sa panahon ng eleksyon.
Maliban sa mga responsable sa insidente ng karahasan, kasama rin sa mga papanagutin sa batas ang mga lumabag sa COMELEC gun ban at iba pang alituntunin ng COMELEC.