Pinapahalagahan ng China ang relasyon sa Pilipinas.
Ito ay dahil sa inisyatibo nitong magbigay ng ayuda sa Pilipinas partikukar ang tone- toneladang abono sa bansa.
Ayon sa pangulo na sa pamamagitan ng mga ganitong generous acts ay lalong napagyayaman ng Pilipinas at China ang magandang relasyon sa isa’t isa.
Tiniyak ng presidente na patuloy ang pakikipag-tulungan sa China para sa sa mas lalo pang paglakas ng ugnayan ng Pilipinas at China.
Kanina ay personal na tinanggap ni Pangulong Marcos Jr., ang nasa 20 libong toneladang abono na idinonate ng pamahalaang China.
Bukod dito, inihayag ng pangulo na nagbigay rin ang China ng apat na milyong pisong halaga ng bigas para tulong sa mga apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.
Facebook Comments