PAL, inulan ng reklamo mula sa mga galit na pasahero sa unang araw ng paglilipat sa NAIA 1

Inulan ng batikos mula sa mga pasahero ang unang araw ng paglilipat ng Philippine Airlines (PAL) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 1.

Halos 30 international at domestic flights kasi ng PAL ang kanselado at hindi raw naabisuhan ang mga pasahero.

Partikular na nagalit ang mga pasaherong patungo sana ng abroad.


Inamin naman ni PAL Spokesperson Cielo Villaluna, under maintenance ang kanilang mga eroplano kaya kinansela ang kanilang 14 international at 15 domestic flights.

Isinisi naman ni Villaluna sa travel agencies ang kabiguan na abisuhan ang mga pasaherong nagpa-book sa kanila.

Facebook Comments