Ibinabala ni Senator Francis Kiko Pangilinan ang takot na idudulot sa business sector ng pagmamalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte na nabuwag niya ang mga oligarchs sa bansa ng hindi nagdedeklara ng martial law at magiging malupit daw siya sa mga oligarch sa natitira niyang termino.
Diin ni Pangilinan, ang pahayag ni Pangulong Duterte ay siguradong magreresulta din sa pagkawala ng ng mga foreign investor sa bansa.
Giit ni Pangilinan, gawa- gawa lang ng administrasyon ang problema sa mga oligarchs para linlangin ang taumbayan mula sa palpak na pagtugon sa pandemya.
Ayon kay Pangilinan, ang COVID-19 pandemic, gutom at kawalan ng trabaho ng milyun-milyong mga Pilipino ang problema ng bansa na dapat tutukan ng pamahalaan at hindi ang mga itinuturing nitong oligarchs.