Manila, Philippines – Palusot lang ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon ang pagmamatigas niyang hindi magsalita sa Senate hearing.
Ito ang reaksyon ni Senador Antonio Trillanes IV sa naging pahayag ni Faeldon na pipiliin pa niyang magpakulong kaysa magbigay ng testimonya sa susunod na pagdinig ng Senado kaugnay pa rin sa kontrobersyal na P6.4 billion na drug shipment na nakalusot sa BOC.
Giit naman ni Trillanes, patunay lang ito na talagang may itinatago si Faeldon.
Naniniwala rin siya na kaya nananahimik si Faeldon ay para pagtakpan ang malalaking personalidad na nasa likod ng shabu shipment.
Hindi naman na padadaluhin sa susunod na pagdinig sina Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at Atty. Mans Carpio.
Ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Ridchard Gordon, pinagbigyan na niya si Trillanes at wala namang napala ang Senado sa pagharap ng dalawa.