Rachelle Ann Go at boyfriend na si Martin Spies – engaged na

Manila, philippiens – Engaged na ang Pinay singer at international theater actress na si Rachelle Ann Go sa kanyang New York-based businessman boyfriend na si Martin Spies.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, masayang inanunsyo ni Rachelle ang ginawang pagpo-propose sa kanya ni Martin.

Sa larawang ibinahagi niya, nasa tabing-dagat ang dalawa kung saan makikitang nakaluhod si Martin habang hawak ang singsing.


Sa caption, sinabi ng singer na ito raw talaga ang wish niya para sa kanyang 31st birthday.

Agad namang nagpaabot ng pagbati sa kanila ang mga kapwa singer gaya nina Zsa-Zsa Padilla at Ogie Alcasid.

Facebook Comments