Pagmamatigas ni SP Escudero na huwag munang simulan ang impeachment trial kay VP Sara, inalmahan ng isang kongresista

Umalma si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro sa patuloy na pagmamatigas ni Senate President Chiz Escudero na huwag agad ikasa ang impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.

Pangunahing pinuna ni Castro ang rason ni Escudero na ang pag-convene sa impeachment court ay hindi dapat ibatay sa panawagan ng publiko.

Giit ni Castro kay Escudero, hindi cheering contest ang impeachment trial na nakasasalay sa public clamor kundi mandato ng Senado na itinatakda ng konstitusyon.

Diin pa ni Castro, ang mga hakbang ni VP Sara para hadlangan ang impeachment trial ay dapat mag-udyok sa Senado na bilisan na ang pag-convene bilang impeachment court.

Facebook Comments