Pagmamay-ari sa 10 EMBO barangay, hindi na dapat hinabol pa ng Makati City ayon sa isang abogado

Hindi na dapat hinabol pa ng Makati City ang pagmamay-ari sa 10 EMBO barangay na nauwi lamang sa pagkatalo nito kontra sa Taguig City.

Ito ang inihayag ng prosecutor at blogger na si Attorney Darwin Canete kung saan iginiit nito na hindi na dapat iniakyat ng Makati City ang isyu sa Supreme Court.

Aniya, noon pa man at pabor na sa Taguig City ang teritoryo ng Fort Bonifacio Military Reservation kabilang ang Parcels 3 at 4 ng PSU-2031, sa kadahilanang kinatigan na ito ng Pasig City Regional Trial Court.


Bukod dito, una na rin aniyang idineklara ni dating Pangulong Carlos P. Garcia sa bisa ng Proclamation Number 423 na parte ng Taguig City ang military reservation nang makuha ng bansa ang kasarinlan mula sa mga Amerikano.

Dagdag pa ni Canete, hindi rin naman tinutulan ng mga residente sa nasabing mga lugar ang paglipat sa Taguig City.

Kung saan mainit pang tinanggap ng mga ito si Taguig Mayor Lani Cayetano sa nakalipas na Brigada Eskwela.

Facebook Comments