
Nagpapatuloy ang isinasagawang pagmo-monitor ng Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos sa mga Persons with Disabilities (PWD) na may expired na PWD ID card upang matiyak ang kanilang kalagayan at magabayan sila sa tamang proseso ng pagrerenew.
Ayon sa pamahalaang lungsod, layunin ng hakbang na ito na mapanatiling aktibo ang rekord ng mga PWD at masiguro na patuloy silang nakatatanggap ng mga benepisyong nakalaan para sa kanila.
Kasama sa monitoring ang pagbibigay ng impormasyon at orientasyon hinggil sa mga kinakailangang dokumento at hakbang sa pagrerenew ng PWD ID card, alinsunod sa mga umiiral na patakaran.
Hinihikayat ang mga PWD na agad iproseso ang pagrerenew ng kanilang ID upang hindi maantala ang kanilang access sa mga diskwento, serbisyo, at iba pang pribilehiyong ibinibigay ng pamahalaan, gayundin upang manatiling updated ang kanilang status sa Department of Health.
Patuloy naman ang koordinasyon ng mga kaukulang tanggapan ng lungsod upang mapalawak ang abot ng monitoring at matiyak na walang PWD na mapag-iiwanan sa mga serbisyong panlipunan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










