Pagmumulta at pagharang sa mga bantang barko sa kanilang teritoryo, inaprubahan na ng China

Inaprubahan na ng National People’s Congress Standing Committee ng China ang panukalang pag-amyenda sa Maritime Traffic Safety Law.

Kaugnay ito sa pagmumulta at pagharang ng mga barkong magiging banta sa tinagurian nitong ‘jurisdictional waters’ o bahagi ng kanilang karagatan.

Ayon sa Xinhua News Agency, sa ilalim ng batas magmumulta ang mga barko ng 50,000 yuan hanggang 500,000 yuan (katumbas ng mahigit 3 milyong piso) na magiging epektibo sa Setyembre 1, 2021.


Inutusan naman ng China ang lahat ng kanilang pribadong barko na gumamit ng Beidou satellite navigation devices at panatilihin ang mga navigational data rito.

Facebook Comments