284,000 indibidwal, nabakunahan na ng COVID-19 vaccine

24

Umabot na sa 284,553 indibidwal ang ‘fully vaccinated’ sa bansa buhat nitong Mayo 1.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa 270,785 dito ay health workers; 3,083 ang senior citizens; at 10,685 na persons with comorbidities.


Habang 1,650,318 indibidwal naman ang nakakuha ng unang dose ng AstraZeneca o Sinovac vaccine.

Mula sa naturang bilang, 278,183 dito ang senior citizen; 275,924 ang persons with comorbidities; at 1,718 ang essential workers.

Facebook Comments