Cauayan City, Isabela – Hinikayat ni Ginang Leide Lessa, Christian Science Practitioner, Teacher, and International Lecturer ang mga tao na bigyang oras ang sarili na magnilay ng limang minuto kada araw at magpasalamat sa panginoon sa araw-araw na ibinibigay.
Ito ang eksklusibong panayam ng RMN Cauayan kay Ginang Lessa.
Aniya, mahalaga ito sa buhay na ating kinakaharap lalo sa kumplikadong panahon ngayon.
Ayon pa kay Ginang Lessa, sanayin ang pagiging matapat at hindi kasinungalingan dahil makakatulong ito sa paggawa ng tamang desisyon sa buhay.
Aniya, mahalaga ang pagiging tapat sa sarili na nagsisimula sa simpleng mga bagay dahil ang katapatan ay isang spiritual power.
Minsan nagiging kahinaan ng mga tao ang kahalagahan ng pagiging tapat at pagsasabi ng katotohanan dahil mas pinipili ang magsabi ng kasinungalingan.
Kaugnay nito, mahalaga na turuan ang mga bata na maging tapat na sabihin ang katotohanan sa lahat ng pagkakataon dahil madadala nila ito sa kanilang paglaki.
Samantala, nahaharap man tayo sa maraming pagsubok at tukso nararapat lamang na gumawa pa din ng tamang desisyon at maging positibo.