Pagmumura at pagbabanta ni Erwin Tulfo kay DSWD Sec Rolando Bautista isa sa dahilan ng PNP sa pagtatangal ng security escort sa magkakapatid na Tulfo Erwin,  nag-sorry!

Nag-sorry ang broadcaster na si Erwin Tulfo kasunod ng ginawa nitong pagmumura at pagbabanta kay DSWD Secretary Rolando Bautista.

Ito ay makaraang hindi pinagbigyan ng kalihim ang hiling na interview ni Erwin sa programa nito.

Sa interview ng RMN Manila inamin ni Erwin ang pagkakamali nito at humingi ng paumanhin kay Bautista gayundin sa mga kasamahan nito sa Philippine Military Academy, AFP at PNP.


Inamin din ng Broadcaster na inulan siya ng mga pagbabanta kasunod ng insidente.

Kaya panawagan niya, huwag nang idamay ang kanyang mga kapatid sa isyu at handa naman daw siyang .

Facebook Comments