Senator Lacson, kumpyansa na makakakuha ng lagda ng mayorya ng mga senador ang resolusyon ng suporta kay SP Sotto

Ngayong araw ay sisimulan na nina Senators Panfilo Ping Lacson at Manny Pacquiao ang pagpapapirma sa resolusyon na nagpapakita ng suporta ng mayorya ng mga senador kay Senate President Tito Sotto III.

Ang resolusyon ng vote of confidence kay SP Sotto ay binalangkas ni Senator Lacson base sa ideya ni Senator Pacquiao.

Layunin ng hakbang nina Lacson at Paquiao na ipakita sa mga baguhang senador na hindi uubra ang kanila umanong balak na palitan si SP Sotto sa 18th Congress para kanilang makuha ang malalaking Komite.


Natitiyak ni Lacson na nananatili pa rin ang surpota ng mayorya kay SP Sotto at hindi ito matitibag hanggang 18th Congress.

Ayon kay Lacson, ngayon lang sila nakakita ng mga baguhang senador na nakikipagmatigasan agad sa pagkuha ng gusto nilang malalaking Komite.

Paliwanag ni Lacson, lahat sila ay nagdaan sa pagiging baguhang senador at nagawa nilang irespeto ang umiiral na tradisyon na equity of the incumbent o pagpaparaya sa mga incumbent senators sa pagpili ng mga komite na kanilang pamumumunuan.

Facebook Comments