Pagnenegosyo, ipinatuturo sa Junior at Senior High School

Ipinatuturo sa mga paaralan sa Junior at Senior High School ang pagnenegosyo.

Sa Senate Bill 221 na inihain ni Senator Mark Villar, gagawing hiwalay na subject sa Junior at Senior High School ang entrepreneurship o ang pagnenegosyo.

Layunin ng panukala na maagang maturuan ang mga kabataan na magsimula ng sariling maliit na negosyo para kumita.


Ipapasok sa Entrepreneurship subject ang pangangasiwa sa negosyo, paghahanap ng puhunan at pagpapa-accredit ng negosyo o ang pagkuha ng mga kailangang permit.

Inaatasan ng panukala ang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na magtalaga ng head subject specialist na siyang mangunguna sa koordinasyon sa mga samahan ng mga negosyante upang maging tugma at napapanahon sa kasalukuyang industrialisasyon at global competition ang ituturo sa mga estudyante.

Facebook Comments