Hinikayat ni Madame Honeylet Avanceña ang mga Pilipino na magnegosyo para magkaroon ng mas maayos na buhay.
Sa kanyang pagdalo sa National Micro, Small and Medium Enterprise o MSME Summit 2019 ay inilahad ni Avanceña ang kanyang mga naging karanasan sa pagnenegosyo.
Ayon kay Avaceña, huwag panghinaan ng loob kapag nakaranas ng kabiguan sa pagnenegosyo dahil kapag nagtiyaga at sinamahan pa ng pagdarasal ay tiyak na makakamit ang tagumpay.
Kinilala din ni Avanceña ang malaking ambag ng mga maliit na negosyante sa koleksyon ng pamahalaan, bukod pa sa nakapagbibigay din ito ng maraming trabaho.
Sa summit ay inihayag naman ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na maraming repormang ipinapatupad ngayon ang gobyerno sa sektor ng pagnenegosyo.
Pangunahing binanggit ni Lopez ang online na proseso ng pagnenegosyo tulad ng pagkuna ng business permit.
Ayon kay Lopez, ito ay bilang pagsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pahusayin at gawing mas komprotable ang pamumuhay ng pangkaraniwan mamamayan lalo na ang mga nasa malalayong bayan.
Dumalo din sa summit si Committee on Agriculture Chairman Senator Cynthia Villar na kilala sa pagsusulong ng mga livelihood programs.