Tiniyak ng Department Of Energy (DOE) na hindi magdudulot ng brown out ang apat na araw nang tuloy-tuloy na pagnipis ng reserbang kuryente sa Luzon.
Bunsod na rin ito ng pagpalya ng maraming planta at bawas na produksyon ng kuryente.
Pero ayon kay DOE Spokesperson Wimpy Fuentebella, sapat pa rin ang suplay ng kuryente sa buong summer at hindi ito mauuwi sa brown out.
Hindi man magba-brown out, maaari naman itong magdulot ng dagdag-singil dahil sa pagmahal ng presyo nito sa spot market bunsod na rin ng pagnipis ng reserbang kuryente.
Ayon kay Andrea Caguete, assistant manager ng Independent Electricity Market Operator of the Philippines, hindi naman ito agad na mararamdaman ng mga consumer pero may epekto ito sa mga paparating na bill.
Samantala, sa may bill pa ang singilan ng apat na araw na sunod-sunod na yellow alert sa Luzon.
Pero ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, may namumuro ring dagdag-singil sa kuryente ngayong Abril.
Sa Lunes, ia-anunsyo ng Meralco ang magiging galaw ng singilan ngayong Abril.